“Ang Mga Tula Sa Aking Puso”

“Noong Magbukas Ang Langit”

(tula ng aking pananampalataya)

Taong 1991, buwan ng Agosto.

Ipinagkatiwala mo sa akin ang isang regalo.

“Ano ito? Usisa ko.

“Pangalawang buhay, sana ay ingatan mo.”

Hawak ang kaliwang dibdib, pangamba ko ay nabuo.

“Manalig ka, narito ako palagi para sa iyo.”

Pero, Ama, sadyang malupit ang daigdig kung saan mo ako inilagay.

Mas kaunti ang ligaya kumpara sa lumbay.

Tila paulit-ulit na namamatay kaysa nabubuhay.

Palaging madilim, bihirang matanaw ang kulay.

Kaya minsa’y nagdududa sa hiningang iyong ibinigay.

Subalit kahit pananampalataya’y madalas pinanghihinaan,

Sumpa mo sa akin ni minsan ay ‘di tinalikdan.

Palagi man nila akong inilulugar sa hulihan,

Ikaw ang siyang tumatayo sa aking harapan.

Pinapalis yaring lumbay at pag-aalinlangan.

Panginoon, salamat sa handog mong milagro.

Nang buksan mo ang langit at tadhana ko’y binago.

Hindi pa man tapos ang laban ng aking puso,

Batid kong higit sa aking takot ang binitiwan mong pangako.

Dahil kapag ikaw ang kasama’y walang giyerang natatalo,

Pluma ang magpapatunay ng paniniwalang ‘di maglalaho.

“Hoy, Ikaw!

(tula ng aking pag-asa)

Hoy, ikaw! Oo, ikaw!

Hindi ba isa kang manunulat?

Nais na ang mga akda mo ay maihayag,

At ang mga tula o kuwento mo ay mailimbag.

Hoy, ikaw! Oo, ikaw!

Hindi ba biktima ka ng komersyalismo?

Tuta ng mga sikat. Dumi ng matatalino.

Dungis ng magagaling, ngunit banta sa leon mong idolo.

Hoy, ikaw! Oo, ikaw!

Hindi ba matapang ka? Ayaw mo nga magpatalo.

Huwag hayaang patunguhin ka ng nakasisilaw na indorsyo.

Iwasang ang sikat ang sa iyo’y magpalumo.

Hoy, ikaw! Oo, ikaw!

Hindi ba matatag ka? Ayaw mo nga magpatumba.

Walang magaling ang gugupo sa iyong tadhana,

Lalo’t hindi ang hinahangaan mong minamaliit ka.

Hoy, ikaw! Oo, ikaw!

Pangarap mo ay tuparin.

Puso at determinasyon ay pagtibayin.

Sa Maykapal ay patuloy kang manalangin.

Hoy, ikaw! Oo, ikaw!

Gamitin mo ang sugat at luha ng kahapon.

Kasama ng masidhing pagsisikap ngayon,

Bukas ang mithiin mo sa mga tala ay aahon.

Hoy, ikaw! Oo, ikaw!

Lubos silang nagmamahal at nagtitiwala sa iyo.

Ang maging isang kampeon ay kakayanin mo!

Alam ko—dahil ikaw ay ‘ako.’

“Dahil Siya ay Pantuom”

(tula ng aking pag-ibig)

Ang iniibig daw ay isang akda,

Sapagkat siya’y obra maestra na sa puso nagmumula.

Siya ang dahilan ng gabi-gabing pagluha,

Rason ng pag-ngiti at masasayang gunita.

Sapagkat siya’y obra maestra na sa puso nagmumula,

Tunay ngang siya ang laman ng aking bawat salita.

Rason ng pag-ngiti at masasayang gunita,

Simuno sa likod nitong aking tula.

Tunay ngang siya ang laman ng aking bawat salita,

Minamahal ko nang lubos pinili man niya’y iba.

Simuno sa likod nitong aking tula,

Paulit-ulit na sisintahin gaya ng mga parirala.

Minamahal ko nang lubos pinili man niya’y iba,

Patuloy kong isusulat kahit ako’y nasasaktan pa.

Paulit-ulit na sisintahin gaya ng mga parirala,

Dahil siya’y pantuom—ang aking obra maestra!

-ang mga tula sa itaas ay opisyal na entry para sa Saranggola Blog Awards 8.

www.sba.ph

Advertisements

2 thoughts on ““Ang Mga Tula Sa Aking Puso””

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s