“Maligayang PAST Ko!’’

(Sampung hugot tuwing sasapit ang Pasko.)

• Mabuti pa sa monito at monita may kapalit ang ibinibigay, samantalang kahit ako na itong madalas na nagbibigay ay siya pang ipinagpapalit.

• Magpa-Pasko na nga, pati kasi siya nanlamig kasabay ng panahon.

• Balak kong maglagay ng belen sa ilalim ng Christmas tree namin kasama iyong ex at kabigan ko tutal parehas naman silang hayop!

• Ang mga taong paasa ay parang iyong paborito kong panghimagas tuwing Noche Buwena, ang leche flan—minsan matamis, madalas leche!

• Kapag mamamasko ako sa ex ko, sisiguraduhin kong wala siyang pera para bago ako umalis ay humingi na siya sa akin ng ‘patawad.’

• Tuwing Christmas Party, Trip to Jerusalem ang paboritong palaro ng ex ko. Lahat kasi ng kandungan inuupuan niya!

• Hindi naman anak nila ninong at ninang iyong ex ko pero pareho nila akong pinagtaguan!

• Magandang panregalo sa Pasko ang eroplanong laruan, kaya lang noong ako na ang pinaglaruan sa ere ay hindi na masayang pagmasdan!

• Minsan talaga nakakainggit ang puto bumbong at bibigka, kasi bukod sa pareho silang matamis ay palagi pang magkapareha.

• Siya iyong hinihiling ko sa tuwing mabubuo ko ang simbang gabi. Ngunit kapag nakukumpleto niya ang siyam na misa, dasal niya ay iyong kaniyang katabi.

-ang mga hugot lines sa itaas ay opisyal na lahok para sa Saranggola Blog Awards 8.

http://www.sba.ph

Advertisements

2 thoughts on ““Maligayang PAST Ko!’’”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s